top of page
bg tab.png

Basic Orientation on Rapid Damage and Needs Analysis



Sumailalim sa isang seminar ang mga opisyal ng barangay ng ating bayan sa kagaganap lamang na Basic Orientation on Rapid Damage and Needs Analysis na inorganisa ng ating MDRRMO (Mdrrmo Angat) sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr.


Layunin ng programa na mapaigting ang kahandaan ng bawat isa sa pagtugon sa sakuna at mabigyang kaalaman patungkol sa mabilisang pagtatasa at pag uulat ng mga nasirang gusali, pananim at mga kabahayan sa panahon ng kalamidad.


Dinaluhan ito ng ating masipag na Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin at Sangguniang Bayan Members na ginanap sa Adolfoz Events Place, San Roque, Angat, Bulacan.

2 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page