top of page
bg tab.png

Barangay Sulucan Nagpaabot ng Pagkilala sa 36 na Taong Serbisyo ni LLN Leonila S. Najera

Aug 4
1 min read

Pinarangalan ng Barangay Sulucan si Local Level Nutritionist (LLN) Leonila S. Najera sa pamamagitan ng paggawad ng Service Award kasabay ng pagdiriwang ng Nutrition Month.


Ipinagkaloob ang nasabing Gawad Pagkilala bilang pagpupugay sa kaniyang 36 na taong walang humpay at tapat na paglilingkod sa larangan ng nutrisyon at kalusugan ng komunidad.


Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay ang mahalagang kontribusyon ni Najera sa pag-aalaga at pagpapabuti ng kalusugan ng mga residente, lalo na ng mga bata at ina sa Sulucan.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang buong barangay sa kaniyang dedikasyon, kasabay ng panalangin na magsilbi siyang inspirasyon sa iba pang kawani upang maglingkod nang buong puso sa mamamayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page