Barangay Sta. Lucia, Magdaraos ng Barangay Assembly ngayong Marso 22
- Angat, Bulacan

- Mar 20
- 1 min read
Bilang bahagi ng pagsusulong ng transparansya at aktibong pakikilahok ng komunidad, nakatakdang ganapin ang Barangay Assembly ng Barangay Sta. Lucia ngayong darating na Linggo, ika-22 ng Marso, 2026.
Ang mahalagang pagtitipon ay isasagawa sa Barangay Sta. Lucia Covered Court at magsisimula sa ganap na alas-11:00 ng umaga. Layunin ng asambliyang ito na mailapit sa mga residente ang tunay na kalagayan ng kanilang barangay at ang mga hakbang na ginagawa ng lokal na pamunuan para sa ikabubuti ng lahat.









Comments