Barangay Sta. Cruz, Nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Apr 11
- 1 min read

Patuloy ang ipinapakitang dedikasyon ng mga opisyales at residente ng Barangay Sta. Cruz sa pagpapanatili ng isang malinis at maayos na komunidad sa pamamagitan ng kanilang isinasagawang Weekly Clean-Up Drive.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng adbokasiya ng barangay upang matiyak ang kalinisan ng mga kalsada, kanal, at paligid, na mahalaga sa pag-iwas sa iba’t ibang uri ng sakit at sa pagpapanatili ng maaliwalas na tirahan para sa bawat pamilya.
Ang matagumpay na paglilinis ay bunga ng pagkakaisa ng komunidad. Sa bawat linggong ginugugol ng mga residente sa paglilinis, mas lalong tumitibay ang ugnayan sa pagitan ng pamunuan at ng mga mamamayan.









Comments