Barangay Sta. Cruz, Nagsagawa ng Bayanihan sa Kalinisan
- Angat, Bulacan

- Dec 20, 2025
- 1 min read

Upang masiguro ang isang malinis at maayos na kapaligiran para sa pagdiriwang ng kapaskuhan, matagumpay na naisagawa ang Weekly Clean-Up Drive sa Barangay Sta. Cruz ngayong araw, Disyembre 20, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay at nilahukan ng mga barangay tanod at mga residenteng boluntaryo. Layunin ng proyektong ito na linisin ang mga pangunahing kalsada at daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbara ng basura at paglaganap ng mga sakit gaya ng dengue. Ayon sa pamunuan ng barangay, ang lingguhang paglilinis ay bahagi ng kanilang pangako na mapanatili ang kaligtasan at ganda ng Sta. Cruz para sa bawat pamilyang Angateño.









Comments