top of page
bg tab.png

Barangay San Roque, Nakatakdang Isagawa ang SOBA 2026 ngayong Marso 22


Sa layuning ipakita ang tunay na estado ng serbisyo at pag-unlad ng komunidad, muling magsasagawa ng State of the Barangay Address (SOBA) 2026 ang lokal na pamahalaan ng Barangay San Roque ngayong darating na Linggo, ika-22 ng Marso.


Ang ulat ay pangungunahan ni Punong Barangay Igg. Nerio S. Valdesco, kung saan tatalakayin ang mga nakamit na tagumpay, kasalukuyang proyekto, at ang mga plano para sa hinaharap sa ilalim ng temang: "Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran."


Ang mahalagang pagtitipon ay gaganapin sa Barangay San Roque Covered Court (sa likod ng New Municipality of Angat) simula alas-9:00 ng umaga. Binibigyang-diin ng pamunuan na ang aktibidad na ito ay isang mahalagang bahagi ng transperansya sa pamamahala, kung saan ang bawat residente ay may pagkakataong malaman kung saan napupunta ang pondo at serbisyo ng barangay.


Hinihikayat ang lahat ng mga taga-San Roque na makiisa at dumalo upang mas mapatibay ang ugnayan ng bawat mamamayan tungo sa isang mas maunlad at payapang pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page