top of page
bg tab.png

Barangay Pulong Yantok, Nagsagawa ng Unang Flag Raising Ceremony para sa Buwan ng Marso


Sa pagbubukas ng buwan ng Marso 2026, muling nagkaisa ang mga kawani at iba’t ibang sektor ng Barangay Pulong Yantok para sa isinagawang Buwanang Pagtataas ng Watawat nitong unang Lunes ng buwan.


Ang seremonya ay dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Renato Abong San Pedro, kasama ang mga guro at mag-aaral mula sa Day Care Center, kinatawan ng OMEES na sina Dr. Ron Joseph Cortez at Sir Charlie Rivera, at ang pamunuan ng Senior Citizens.


Naging makulay at masigla ang programa sa pamamagitan ng pampasiglang bilang mula sa mga aktibong Zumba Dancers kasama ang mga Kagawad (Konsis), gayundin ang nakatutuwang pagtatanghal ng mga batang mula sa Day Care Center. Ang aktibidad na ito ay simbolo ng pagkakaisa at kahandaan ng barangay na maglingkod nang tapat sa buong buwan.


Matapos ang pagtataas ng watawat, nagdaos din ng isang makabuluhang Bible Study ang Sangguniang Barangay. Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay pinangunahan nina PYCC Chairman Ariel Germar, Chairman Toto Guballa, at Bro. Romeo Dichos. Layunin ng gawaing ito na hilingin ang gabay at pagpapala ng Maykapal para sa maayos na pagpapatakbo ng mga programa sa komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page