top of page
bg tab.png

Barangay Pulong Yantok, Nagsagawa ng ‘Road Clearing Operation’ (BARCO)


Upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga naglalakad, matagumpay na naisagawa ng Barangay Pulong Yantok ang kanilang Barangay Road Clearing Operation (BARCO) ngayong ika-15 ng Marso, 2026.


Ang operasyon ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay katuwang ang mga Barangay Tanod at mga kawani ng barangay. Layunin ng aktibidad na ito na alisin ang mga obstructions o sagabal sa mga pampublikong kalsada, kabilang ang mga iligal na nakaparkeng sasakyan, mga kagamitang nakaharang sa bangketa, at iba pang istruktura na nagpapatikip sa daan.


Ayon sa pamunuan, ang BARCO ay bahagi ng pagtalima sa pambansang direktiba na bawiin ang mga kalsada para sa publiko. Bukod sa pagpapaluwag ng trapiko, layon din nito na maging mas ligtas ang daan para sa mga residente, lalo na sa oras ng emergency kung saan mahalaga ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyang pang-rescue.


Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa kooperasyon ng mga residente at may-ari ng establisyimento na kusang nag-alis ng kanilang mga gamit sa kalsada. Inaasahang magpapatuloy ang regular na monitoring upang manatiling malinis, maluwag, at ligtas ang lahat ng lansangan sa Barangay Pulong Yantok.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page