Barangay Paltok, Nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Apr 6
- 1 min read

Sa layuning mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, matagumpay na naisagawa ng Barangay Paltok ang kanilang Weekly Clean-Up Drive nitong Abril 4, 2026.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng barangay upang masiguro ang isang ligtas at malinis na komunidad para sa lahat ng mga residente.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga opisyales ng barangay at mga volunteers, nilinis ang mga pangunahing kalsada, drainage, at mga pampublikong lugar.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng barangay sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras para sa aktibidad na ito. Ang inyong kooperasyon ay patunay na buhay ang diwa ng bayanihan sa Barangay Paltok.









Comments