Barangay Paltok, Isinagawa ang Lingguhang Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Dec 9, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng kanilang patuloy na kampanya para sa isang malinis na kapaligiran, matagumpay na naisagawa ng Barangay Paltok ang kanilang Weekly Clean-Up Drive noong Disyembre 6, 2025.
Ang aktibidad na ito ay nakatuon sa paglilinis ng mga pangunahing kalsada at pagpuksa sa mga pinamumugaran ng lamok at iba pang insekto na nagdadala ng sakit. Sa pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay at mga boluntaryo, sinigurado na ang bawat sulok ng komunidad ay maayos at malinis bago pumasok ang kasagsagan ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Ayon sa pamunuan ng barangay, ang lingguhang aktibidad na ito ay mahalaga upang mapanatili ang disiplina sa sanitasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.









Comments