top of page
bg tab.png

Barangay Niugan, Nakatakdang Idaos ang Barangay Assembly ngayong Marso


Bilang bahagi ng pagtataguyod ng transparansya at aktibong pakikilahok ng bawat pamilya sa lokal na pamamahala, muling inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay Niugan para sa gaganaping Barangay Assembly ngayong darating na Sabado, ika-7 ng Marso, 2026.


Ang mahalagang pagtitipon ay gaganapin sa Covered Court ng Barangay Niugan dakong alas-11:00 ng tanghali. Layunin ng nasabing asamblea na ilahad sa publiko ang mga kasalukuyang programa, itatampok na proyekto, at iba pang mahahalagang usapin na may kinalaman sa ikauunlad ng komunidad.


Ayon sa Sangguniang Barangay, ang asamblea ay nagsisilbing pangunahing plataporma upang direktang makapakinig ang pamunuan sa mga mungkahi at hinaing ng mga mamamayan. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga opisyales at ng publiko upang masigurong ang bawat hakbang ng barangay ay nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng bawat Angateño.


Inaasahan ang pagdalo ng mga kinatawan mula sa iba't ibang purok upang masiguro ang isang inklusibo at maayos na talakayan para sa kinabukasan ng Barangay Niugan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page