Barangay Niugan, Nagsagawa ng Post-Christmas Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Dec 27, 2025
- 1 min read

Upang mapanatili ang kaayusan matapos ang pagdiriwang ng Pasko, muling nagsagawa ng Clean-Up Drive ang Sangguniang Barangay ng Niugan ngayong araw, Disyembre 27, 2025.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng adbokasiya ng barangay para sa kalinisan at kalusugan ng publiko. Nakatuon ang operasyon sa paglilinis ng mga pangunahing kalsada at pag-aalis ng mga nakabarang basura sa mga kanal upang masiguro ang maayos na daloy ng tubig. Sa pangunguna ng mga opisyal ng barangay, layunin ng hakbang na ito na salubungin ang Bagong Taon nang malinis at ligtas ang buong komunidad.









Comments