top of page
bg tab.png

Barangay Niugan, Naglabas ng Paalala sa Iskedyul ng Koleksyon ng Basura


Nagpalabas ng mahalagang abiso ang Sangguniang Barangay ng Niugan para sa lahat ng mga residente hinggil sa pansamantalang pagbabago sa iskedyul ng pangongolekta ng basura.


Ayon sa pamunuan, walang nakatakdang koleksyon ng basura bukas, December 24, 2025. Dahil dito, mahigpit na pinakikiusapan ang mga mamamayan na huwag munang maglalabas o magtatapon ng anumang basura sa gilid ng kalsada upang maiwasan ang pagkakalat at panatilihin ang kaayusan sa kapaligiran. Nakatakdang bumalik sa normal na operasyon ang koleksyon sa darating na Biyernes, Disyembre 26, 2025.


Hinihiling ng Sangguniang Barangay ang buong kooperasyon at pag-unawa ng lahat para sa isang malinis na komunidad ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page