top of page
bg tab.png

Barangay Niugan, Muling Nagkaisa sa Pagsasagawa ng Clean-Up Drive

Sep 26
1 min read

Ipinagpatuloy ng Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay Niugan ang kanilang regular na programang pangkalinisan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 26, 2026.


Nakasentro ang aktibidad sa paglilinis ng mga pangunahing daanan, kanal, at mga pampublikong pasilidad sa buong komunidad upang tiyakin ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbara ng mga basurang pwedeng panggalingan ng mga peste at sakit.


Ang patuloy na inisyatibong ito ay bahagi ng masigasig na adbokasiya ng barangay sa pagtataguyod ng responsableng pamamahala sa basura at pagpapanatili ng maaliwalas at ligtas na kapaligiran para sa lahat ng residente.


Muling nagpaalala ang pamunuan ng Barangay Niugan sa buong pamayanan na panatilihin ang disiplina sa pagtatapon ng basura at patuloy na suportahan ang mga proyektong pangkalikasan sa barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page