top of page
bg tab.png

Barangay Niugan at MDRRMO Angat, Matagumpay na Nagdaos ng IEC Ukol sa Early Warning System

Aug 6
1 min read

Matagumpay na naisagawa ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng Barangay Niugan ang Information Education Campaign (IEC) tungkol sa Early Warning System (EWS), sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Angat.


Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga miyembro ng BDRRMC sa tamang paggamit ng Early Warning System upang mas maging handa ang buong komunidad sa anumang sakuna o emergency.


Naging pangunahing pokus sa ginanap na oryentasyon ang mga sumusunod:

  • Pag-unawa sa Babala: Pag-unawa sa mga opisyal na babala at hudyat ng panganib.

  • Mabilis na Impormasyon: Wastong paraan ng mabilis at malinaw na pagpapakalat ng impormasyon sa mamamayan.

  • Protokol sa EWS: Tamang pagsunod sa mga EWS protocol kapag may banta ng sakuna.

  • Tungkulin sa Emegency: Paglilinaw sa responsibilidad ng bawat miyembro sa panahon ng kalamidad.


Nananatiling nakatuon ang Barangay Niugan sa pagpapalakas ng kahandaan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan sa MDRRMO Angat, kaya't lubos ang pasasalamat ng pamunuan sa lahat ng dumalo at nakiisa sa mahalagang gawaing ito.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page