Barangay Niugan at Donacion, Nagpapatupad ng Creek Clearing Bilang Proaktibong Tugon sa Bagyong Uwan
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng proaktibong paghahanda sa pagdating ng Bagyong Uwan, nagsagawa ng agarang aksyon ang Sangguniang Barangay ng Niugan at Donacion upang maiwasan ang posibleng pagbaha sa kani-kanilang nasasakupan.
Ang Barangay Donacion, sa pamumuno ni Kapitan Jessie Calderon, ay nagsagawa ng clearing operation sa kanilang mga creek. Ang operasyon ay naglalayong tiyakin ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbara sa mga sapa, na karaniwang sanhi ng pagbaha.

Samantala, nagsagawa rin ng clearing at monitoring sa mga creek ang Barangay Niugan, sa pamumuno ni Kapitan Roberto Maximo. Kasama sa aktibidad si G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I ng MDRRMO, na nagbigay ng direktang pagsubaybay.
Pagsunod ng Ibang Barangay, Inaasahan
Pinuri ng MDRRMO ang ginawang hakbang ng Barangay Niugan at Barangay Donacion, na tinawag nilang "mapagkalinga at tunay na serbisyo." Inaasahan at hinihikayat ang iba pang barangay sa Angat na sumunod sa inisyatibang ito ng paghahanda.
Patuloy ang pagbabantay ng MDRRMO katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa sitwasyon ng Bagyong #UwanPH.








Comments