Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) Initial Table Assessment 2025
- Angat, Bulacan

- Jul 16
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang mapangalagaan at mapabuti ang kalikasan, isinasagawa ang Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) para sa taong 2025. Sa araw na ito, pinangunahan ni Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) Eveliza J. De Guzman ang pre-assessment o paunang pagsusuri sa Barangay Sta. Lucia, Angat.
Ang layunin ng aktibidad na ito ay masusing matasa ang antas ng pagsunod ng barangay sa mga itinakdang regulasyon at mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG), partikular na ang Republic Act 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Sa pamamagitan ng pagsusuring ito, layunin ng tanggapan ng MENRO na mas mapahusay pa ang mga umiiral na polisiya, programa, at gawain na may kinalaman sa pangangalaga sa kapaligiran sa antas ng barangay.
Ang pre-assessment ay mahalagang hakbang upang matukoy ang kasalukuyang estado ng solid waste management at iba pang kalikasan-related na mga gawain sa Barangay Sta. Lucia, at magabayan ang mga susunod na hakbang para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga patakaran. Pinapakita rin nito ang dedikasyon ng ating lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng isang mas malinis, ligtas, at maunlad na komunidad.
Patuloy ang pagtutulungan ng lahat ng sektor upang matiyak ang matagumpay na implementasyon ng mga programang pangkalikasan sa bawat barangay.









Comments