top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

BARANGAY DONACION, TULOY SA PAG ASENSO!

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa ng Project Validation sa Barangay Donacion.

Kasama sa pag ikot at pag suri si Kapitan Jessie Calderon upang malaman ang mga impormasyong kinakailangan para sa gagawing proyekto.

Tinukoy nina Carlos R. Rivera, Jr., MGDH1 - MDRRMO at Romeo Tigas mula sa Municipal Planning & Development Office - MPDO-Angat ang ipagagawang slope protection upang maiwasan ang pagguho ng lupa na malapit sa mga kabahayan.

Unang sinuri ang haba at lalim na gagawan ng proyekto upang malaman ang ilalaan na pondo para rito.

Katuwang ng Barangay Donacion ang Pamahalaang Bayan ng Angat at si Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, Punong Bayan ng Angat at MDRRMC Chairman para maisakatuparan ang proyektong ito.

Kaya Tuloy Tayo sa Pag ASENSO, Barangay Donacion!

Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page