top of page
bg tab.png

Barangay Donacion, Nakiisa sa ‘Kalinisan Day’ Ngayong Valentine's Day

Updated: Feb 23


Ipinamalas ng Barangay Donacion ang kanilang pagmamahal sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa “Barangay Kalinisan Day” nitong Sabado, ika-14 ng Pebrero, 2026.


Pinangunahan ng Sangguniang Barangay, kasama ang mga dedikadong kawani ng pamunuan, ang paglilinis sa mga pangunahing bahagi ng komunidad. Ang aktibidad na ito ay naglalayong panatilihing maayos at ligtas ang kapaligiran para sa lahat ng mga residente, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.


Ayon sa pamunuan, ang pakikiisa sa paglilinis ay isang paraan ng pagpapakita ng malasakit sa ating bayan. Muli silang nanawagan sa mga mamamayan na patuloy na pangalagaan ang ating paligid upang mas lalo pang mapaganda ang Barangay Donacion.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page