Barangay Donacion, Nakiisa sa ‘Barangay Kalinisan Day’ para sa Mas Magandang Kapaligiran
- Angat, Bulacan

- Feb 1
- 1 min read

Matagumpay na nakiisa ang Barangay Donacion sa pagdiriwang ng “Barangay Kalinisan Day” nitong nakaraang Sabado, ika-31 ng Enero, 2026.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay, sa pakikipagtulungan ng mga masisipag na kawani ng pamunuan. Sama-samang nilinis ang mga kalsada at mga pampublikong lugar upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng paligid.
Layunin ng programang ito na itanim sa bawat residente ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Nanawagan ang pamunuan ng barangay sa lahat ng mga mamamayan na gawing habit ang paglilinis upang mas lalo pang mapaganda at gawing ligtas ang Barangay Donacion para sa lahat.









Comments