top of page
bg tab.png

BARANGAY DONACION, NAKIISA SA "BARANGAY KALINISAN DAY"; NANGUNA SA MALAWAKANG CLEAN-UP DRIVE


Nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Donacion, kasama ang masisipag na kawani nito, sa ginanap na malawakang clean-up drive kaugnay ng pambansang pagsusulong ng ”Barangay Kalinisan Day” nitong Sabado, Hulyo 4, 2026.


Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga opisyal at kawani ng barangay, matagumpay na nilinis ang iba’t ibang pangunahing kalsada, kanal, at pampublikong lugar sa paligid upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang banta ng sakit na dulot ng maruming kapaligiran.


Samantala, nagpaalala at nanawagan naman ang pamunuan ng barangay sa lahat ng mamamayan na maging responsible at patuloy na makiisa sa pangangalaga sa kalikasan.


Inaasahan na magpapatuloy ang mga ganitong hakbangin sa Barangay Donacion upang masiguro ang isang malinis, ligtas, at maayos na pamayanan para sa bawat pamilya.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page