top of page
bg tab.png

Barangay Baybay, Tinapos ang Buwan ng Abril sa Pamamagitan ng Clean-Up Drive


Bilang pagtatapos ng kanilang mga aktibidad para sa buwan ng Abril, matagumpay na idinaos ng pamunuan ng Barangay Baybay ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Abril 25, 2026.


Ang paglilinis na ito ay isinagawa sa Sitio Bagong Silang at sa kahabaan ng Baybay Gitna Hi-way. Ang regular na aktibidad na ito ay patunay ng hindi matatawarang dedikasyon ng barangay na mapanatiling maayos, malinis, at ligtas ang kapaligiran para sa lahat ng mga kabarangay at mga motorista.


Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay, kasama ang mga kawani at mga residente, masusing nilinis ang mga pangunahing kalsada at mga kanal.


Taos-puso ang pasasalamat ng pamunuan sa lahat ng mga kabarangay na walang sawang sumusuporta sa lingguhang gawaing ito. Ayon sa barangay, ang kalinisan ay hindi lamang responsibilidad ng mga opisyal kundi ng bawat isang naninirahan sa Baybay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page