Barangay Baybay, Nakiisa sa Paglilinis ng Sitio Luntiang Parang
- Angat, Bulacan

- Dec 6, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang malinis at luntiang kapaligiran, matagumpay na idinaos ang Weekly Clean-Up Drive sa Sitio Luntiang Parang, Barangay Baybay, ngayong araw, Disyembre 6, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyal ng Barangay Baybay katuwang ang mga masisipag na residente ng nasabing sitio. Ang proyektong ito ay naglalayong panatilihin ang kaayusan ng mga pampublikong espasyo at masiguro ang kaligtasan ng komunidad laban sa mga sakit na dala ng maruming paligid.









Comments