Barangay Baybay, Nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive sa Baybay Gitna
- Angat, Bulacan

- Apr 18
- 1 min read

Muling ipinamalas ng mga opisyales at residente ng Barangay Baybay ang kanilang pagtutulungan sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Abril 18, 2026.
Ang regular na aktibidad na ito ay nakatutok sa paglilinis ng lugar sa paligid ng Baybay Gitna Barangay Hall at ng Covered Court, na nagsisilbing sentro ng mga pagtitipon at serbisyo publiko sa komunidad.
Sa tulong ng mga kawani ng barangay at mga volunteers, masusing nilinis ang mga pasilidad upang matiyak na ito ay ligtas, maayos, at maaliwalas para sa lahat ng mga kabarangay na bumibisita at gumagamit ng mga nasabing lugar.
Lubos ang pasasalamat ng Sangguniang Barangay sa lahat ng mga naglaan ng oras at lakas upang makilahok sa lingguhang paglilinis na ito. Ang pagtutulungan ng bawat isa ay patunay ng malasakit sa ating mahal na Barangay Baybay.









Comments