Barangay Assembly para sa 2nd Semester ng 2026, Matagumpay na Idinaos sa Brgy. Sulucan

Matagumpay na isinagawa ng pamunuan ng Barangay Sulucan ang kanilang Barangay Assembly Day para sa ikalawang semestre ng Taong Pananalapi 2026 sa Sulucan Covered Court noong Sabado, Oktubre 17, 2026.
Nagtipon ang mga opisyal ng barangay at mga residente upang talakayin ang mga naisagawang proyekto, ulat sa pananalapi, pati na rin ang mga nakalinyang programa para sa pagpapaunlad ng pamayanan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang buong pamunuan ng Barangay Sulucan sa lahat ng mamamayang naglaan ng oras upang makinig, makiisa, at magbahagi ng kanilang mga mungkahi at opinyon ukol sa mga lokal na usapin.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang aktibong partisipasyon at nagkakaisang suporta ng mga residente ang pangunahing susi sa patuloy na pag-unlad at pagsulong ng buong komunidad ng Sulucan.










Comments