Barangay Assembly Day 2026 para sa Ikalawang Semestre, Matagumpay na Idinaos sa Banaban

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Barangay ng Banaban, Angat, Bulacan ang kanilang Barangay Assembly Day para sa Ikalawang Semestre ng taong 2026 nitong Oktubre 31, 2026, sa ganap na ika-10:00 ng umaga.
Naging pangunahing tampok sa nasabing pagtitipon ang pagbabahagi ni Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) / DILG Officer Ms. Cecil R. Caburnay ukol sa kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad at buong-pusong pagsunod sa mga umiiral na ordinansa sa komunidad.

Binigyang-diin sa asembleya ang mga sumusunod na alituntunin at lokal na batas:
Curfew Ordinance: Pagsunod sa itinakdang oras ng curfew, lalo na para sa mga menor de edad.
Videoke Hour: Pagsunod sa pinahihintulutang oras ng paggamit ng videoke hanggang alas-10:00 lamang ng gabi upang maiwasan ang ingay at abala sa mga kapitbahay.
Anti-Topless Ordinance: Pagbabawal sa paglalakad o pananatili ng mga kalalakihan sa mga pampublikong lugar nang walang pang-itaas na damit.
Pagbabawal sa Inuman sa Kalsada: Pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga lansangan at pampublikong lugar upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang responsibilidad sa pagsunod sa mga ordinansa ay nakasalalay sa bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamayanan at ng Pamahalaang Barangay, mas titiyakin ang patuloy na pag-iral ng disiplina, kapayapaan, at kaayusan sa buong Barangay Banaban.











Comments