top of page
bg tab.png

BALIK-TANAW SA KASAYSAYAN NG BAHAY PAMAHALAAN NG ANGAT


ree

Habang malapit nang matapos ang itinatayong bagong munisipyo ay mahalagang magbalik-tanaw sa kasaysayan ng kasalukuyang gusali ng Pamahalaang Bayan ng Angat na bunga ng pagsasakripisyo ng ating mga ninunong Angatenyo.


Matatagpuan sa tabi ng Sta. Monica Parish Church ang lumang gusali ng Bahay Pamahalaan ng Angat ayon na rin sa klasikong Iglesia–Presidencia–Plaza layout na ipinatupad noong panahon ng Kastila.


Naging pueblo ang Angat noong 1683, at kasabay ng pagtatayo ng simbahan noong 1758–1773 ang pagtatayo ng presidencia gamit ang polo y servicios o sapilitang paggawa.


Opisyal itong tinawag na Municipal Hall noong Panahon ng Amerikano at nanatili ito sa parehong nitong lokasyon kahit na ilang beses itong isinaayos sa mga nakalipas na dekada. Hanggang ngayon, ito’y itinuturing na mahalagang bahagi ng cultural at historical identity ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page