Bakuna Anti-Rabies sa Marungko

Nagsagawa ang Municipal Agriculture Office, katuwang ang Provincial Veterinary Office, ng Mass Anti-Rabies Vaccination sa Barangay Marungko, Angat, Bulacan ngayong Abril 13, 2023. Bahagi ito ng mga aktibidad sa paggunita ng Rabies Awareness Month noong Marso na nay temang "Rabies-Free na Pusa't Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino." Panawagan ng ating Pamahalaang Bayan at Mayor Jowar na tiyaking may bakuna kontra-rabies ang inyong mga alagang hayop upang maiwasan ang rabies sa Angat.