Bakuna Anti-Rabies sa Marungko (Day 2)
- Angat, Bulacan
- Apr 14, 2023
- 1 min read
Updated: May 1, 2023

Ipinagpatuloy ng Municipal Agriculture Office, katuwang ang Provincial Veterinary Office, ang ikalawang araw ng Mass Anti-Rabies Vaccination sa Barangay Marungko, Angat, Bulacan ngayong Abril 14, 2023.
Bahagi ito ng mga aktibidad sa paggunita ng Rabies Awareness Month noong Marso na nay temang "Rabies-Free na Pusa't Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino."
Panawagan ng ating Pamahalaang Bayan at Mayor Jowar na tiyaking may bakuna kontra-rabies ang inyong mga alagang hayop upang maiwasan ang rabies sa Angat.
Comments