top of page
bg tab.png

Bagyong 'Uwan' Alert: Magsasaka at Mangingisda, Pinaghanda ng MAO Angat


ree

Nagbigay ng agaran at mahigpit na babala ang Municipal Agriculturist Office (MAO) Angat kaugnay ng paparating na Bagyong "UWAN" noong Nobyembre 8, 2025.


Hinihikayat ang lahat ng #Magsasaka at #Mangingisda na maging handa at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan at, higit sa lahat, ang kanilang mga pamilya.


Paghahanda Bago Dumating ang Bagyo



Para sa mga Magsasaka at Nag-aalaga ng Hayop:


  • Protektahan ang Hayop: Ilipat ang mga alagang hayop sa ligtas at mataas na lugar. Maghanda ng sapat na pagkain at inumin.

  • Ihanda ang Sakahan:

    • ANIHIN AGAD ang mga hinog na pananim (gulay, prutas, atbp.).

    • Itali o suportahan ang mga halamang madaling matumba.

    • Linisin ang mga kanal at paagusan ng tubig.

  • Siguraduhin ang Kaligtasan: Ihanda ang emergency kit at makinig sa balita at abiso ng lokal na pamahalaan.


Para sa mga Mangingisda:


  • Bangka at Kagamitan: Itali nang maayos ang bangka sa ligtas na lugar. Iimbak ang mga lambat at pamingwit.

  • Palaisdaan: Siguraduhin na maayos at matibay ang mga kulungan ng isda, palaisdaan, at ligtas ang mga alagang isda.


Mahalagang Paalala Habang May Bagyo


HUWAG PUMALAOT! Iwasan ang paglabas sa bukid o pagtawid sa rumaragasang tubig. Manatili sa loob ng tahanan o sa evacuation center.


Pagkatapos ng Bagyo at Pagre-report ng Pinsala


  • Mangingisda: Suriin muna ang panahon bago bumalik sa dagat.

  • MAHALAGA: Kunan ng litrato ang pinsala gamit ang DA Geo Camera App para sa PCIC (Insurance), o tulong mula sa DA/LGU.

  • MAKIPAG-UGNAYAN: Makipag-ugnayan agad sa inyong Agricultural Technician para sa aktwal na report ng pinsala.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page