top of page
bg tab.png

Bagong Real Property Valuation Reform, Ipatutupad sa Angat; ‘Single Valuation’ System, Magsisimula sa 2027



Bilang paghahanda sa isang mas sistematiko at patas na paniningil ng buwis, inanunsyo ng Tanggapan ng Pambayang Tagataya (Municipal Assessor’s Office) ang nakatakdang pagbabago sa Schedule of Market Values (SMV) na magiging epektibo sa taong 2027.


Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Section 219 ng Local Government Code of 1991 at ang bagong sabatas na Republic Act No. 12001 o ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA). Layunin ng repormang ito na magkaroon ng Single Valuation o isahang paghahalaga para sa lahat ng uri ng ari-ariang di-natitinag (real property) sa buong bansa. Sa pamamagitan nito, magiging mas simple, mabilis, at transparent ang pagtataya ng halaga ng mga lupa at gusali.



Binigyang-diin ng tanggapan na isinaalang-alang sa batas ang kapakanan ng mga taxpayers. Upang maiwasan ang biglaang bigat sa bayarin, magpapatupad ng anim na porsyentong (6%) cap sa pagtaas ng amilyar (real property tax) sa unang taon ng implementasyon nito. Ang proteksyong ito ay binuo upang maging maayos ang transisyon ng mga mamamayan sa bagong sistema ng pagbubuwis.


Ayon sa Municipal Assessor’s Office, ang re-assessment na ito ay bahagi ng pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Angat na gawing napapanahon ang halaga ng mga ari-arian. Ang makokolektang pondo mula rito ay direktang babalik sa komunidad sa pamamagitan ng mas pinahusay na lokal na serbisyo, mga bagong imprastraktura, at mga programang panlipunan para sa lahat ng Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page