top of page
bg tab.png

Bagong Pamunuan ng SEPBA, Inc., Pinangunahan ang Lingguhang Flag Raising Ceremony sa Angat LGU

9 hours ago
1 min read

Pinangunahan ng mga bagong halal na opisyal ng Samahan ng mga Empleyado sa Pamahalaang Bayan ng Angat, Inc. (SEPBA, Inc.) ang isinagawang Lingguhang Flag Raising Ceremony.


Dinaluhan ang pambungad na programa ng linggo ni Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista kasama si Konsehal John Patrick D.C. Solis, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, at ang mga kawani ng LGU Angat.



Nakiisa rin sa seremonya ang mga kinatawan mula sa Angat Municipal Police Station (PNP) at Angat Bureau of Fire Protection (BFP) bilang pagpapakita ng patuloy na pagkakaisa at koordinasyon ng mga ahensya sa bayan.


Ang aktibidad na ito ay naglalayong panatilihin ang disiplina, pagmamahal sa bayan, at masiglang pagsisimula ng lingguhang paglilingkod sa mga mamamayan ng Angat.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page