Bagong Pamunuan ng Federated PTAs ng Angat District, Nanumpa sa Tungkulin
- Angat, Bulacan

- Aug 24
- 1 min read

Pinangunahan mismo ng ating Punong Bayan, Mayor Reynante S. Bautista, ang panunumpa sa tungkulin ng bagong halal na pamunuan ng Federated Parents-Teachers Association (FPTAs) ng Angat District. Nakiisa rin sa makabuluhang okasyon si Dr. Guillermo Flores, Tagamasid Pampurok, na nagpaabot ng kanyang buong suporta at pagbati sa mga bagong opisyal.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Bautista ang napakahalagang papel na ginagampanan ng FPTAs bilang tulay sa pagitan ng mga magulang at guro. Aniya, mahalaga ang mas matibay na pagtutulungan ng dalawang sektor upang higit pang maitaguyod ang kapakanan, kaunlaran, at kinabukasan ng mga kabataan sa bayan ng Angat.
Narito ang mga bagong halal na opisyal ng Federated PTAs ng Angat District:
President: Cristina V. Valdesco
Vice President: Dennis L. Cruz
Secretary: Carren C. Jimenez
Treasurer: Leonardo C. Acot Jr.
Disbursing Officer: Sonny DC. Laño
Auditor: Fernando B. Bautista
Business Manager: Remedios B. Chiapc
Board of Directors: Domingo S. Rivera Jr., Raquel V. Salvador, Mildred De Guzman, Alona S. Gonzales, Elizabeth Sacdalan, Leonardo Arindan, Jecelyn I. Ramos, Diana Adriano, Maeanne N. Medina, Sancho G. Viudez, at Michelle DM. Abrenilla.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga bagong halal na opisyal ng FPTAs. Ipinahayag din nito ang mataas na pag-asa na sa pamumuno ng bagong pamunuan ay higit pang lalakas ang pakikipagtulungan para sa pagpapatupad ng mga makabuluhang proyekto at programang pang-edukasyon sa distrito—mga inisyatibang magsisilbing pamana para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan ng Angat.









Comments