Upang higit nating mapaglingkuran ang mga Angatenyo at magkaroon ng mas maayos na opisina ang mga tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan ay magpapatayo tayo ng bagong municipal hall.
Magkakaroon din tayo ng MDRRMO building na magsisilbing command center din natin sa panahon ng kalamidad.
Nakapagsagawa na ng site validation sa ating proposed site sa Barangay San Roque sa pangunguna ng validators ng DPWH kasama ang ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista.
Umaasa tayo na simula lamang ito sa tuloy-tuloy na proyekto na higit na magpapaunlad sa mahal nating bayan.
Comments