top of page
bg tab.png

Bagong MDRRMO Operations Center, Simbolo ng mas Ligtas at Asensadong Angat



Isang makasaysayang yugto sa aspeto ng kaligtasan ang pormal na binuksan ngayong araw sa pagpapasinaya ng bagong Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Operations Center. Ang makabagong pasilidad na ito ay nagsisilbi ngayong opisyal na "tahanan" ng mga Angate Rescue at sentro ng koordinasyon sa panahon ng sakuna.


Ang programa ay dinaluhan ng mga haligi ng bayan sa pangunguna ni Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, Punong Bayan at MDRRMC Chairman. Kasama rin sa mga sumaksi ang mga Konsehal ng Bayan, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, Civil Society Organizations (CSO), at mga opisyal mula sa Provincial DRRMO sa pangunguna ni Mr. Manuel M. Lukban Jr., gayundin ang Bulacan Council of DRRMO Inc.


Sa kanyang pambungad na mensahe, emosyonal na nagbalik-tanaw si G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), sa mga hamong pinagdaanan ng opisina bago makamit ang permanenteng gusali. Binigyang-diin niya na ang imprastrakturang ito ay simbolo ng kanilang walang pag-aalinlangang dedikasyon na maglingkod sa bawat Angateño.

Maging si Mayor Jowar Bautista ay hindi naitago ang kagalakan sa tagumpay ng proyekto. Isinalaysay niya ang kanyang naging mithiin para sa mga responders na madalas ay nahaharap sa panganib tuwing may kalamidad.


Nagpaabot din ng suporta si G. Peter Vistan, Presidente ng Bulacan Council of DRRMO Inc. at MDRRMO ng Guiguinto. Binigyang-diin niya na madalas ay "overlooked" o hindi gaanong napapansin ang hirap ng mga responders. Ayon sa kanya, isang bihirang oportunidad at malaking tagumpay para sa isang bayan ang magkaroon ng sariling dedikadong gusali para sa MDRRMO.


Ang seremonya ng pagbabasbas ay pinangunahan ni Rev. Fr. Lex Desiderio Cabais, na sinundan ng tradisyunal na Ribbon Cutting nina Mayor Bautista at G. Rivera. Nakiisa rin ang mga Department Heads at kawani ng munisipyo sa pag-inspeksyon ng mga bagong pasilidad at opisina sa loob ng gusali.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page