Bagong MDRRMO Operations Center sa Angat, Pormal nang Binuksan at Binasbasan
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read


Binuksan na sa publiko ang bagong Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Operations Center sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan. Ang pasilidad na ito ay itinuturing na "sentro ng kahandaan" na magsisilbing himpilan ng bayan sa pagtugon sa mga sakuna at emergency.
Ang seremonya ng pagbabasbas at pagbubukas ay pinangunahan ni MDRRMO Head Carlos R. Rivera Jr., MGDH I, sa ilalim ng direktang suporta at patnubay ni Punong Bayan Reynante S. Bautista.
Dinaluhan ito ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan, mga kinatawan ng Angat PNP at Angat BFP, mga Civil Society Organizations (CSO), mga MDRRMO mula sa iba’t ibang bayan at mga Department Heads ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Ang proyektong ito ay isang konkretong hakbang ng lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang koordinasyon, aksyon sa panahon ng krisis at para sa kaligtasan ng bawat Angateño









Comments