BAGONG FARM MACHINERY TRACTOR PARA SA MAS PINALAKAS NA AGRIKULTURA
- Angat, Bulacan
- Apr 28
- 1 min read

Lubos ang ating pasasalamat sa Rice Competitiveness Enhancement Fund Program, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, at sa tanggapan ni Sen. Cynthia Villar sa pagkakaloob ng bagong farm machinery tractor na may mga attachments tulad ng Front Loader, Rotavator, at Driven Disk Plow.
Ang makinaryang ito ay hindi lamang kagamitan kundi bagong pag-asa para sa ating mga magsasaka. Sa mas mabilis, mas magaan, at mas episyenteng pagsasaka, mas marami tayong maaani, mas mapapababa ang gastos, at mas mapapalakas ang produksyon ng ating lokal na agrikultura.
Ito ay hakbang patungo sa isang sektor ng pagsasaka na hindi naiiwan, kundi sumasabay sa makabagong panahon at patuloy na umaangat!
Comments