Bagong Bahay Pamahalaan ng Angat, Bubuksan na sa Enero 19; Moderno at State-of-the-Art na Serbisyo, Inaasahan
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Isang bagong yugto sa kasaysayan ng Bayan ng Angat ang nakatakdang simulan sa darating na Enero 19 (Lunes) sa pormal na pagbubukas ng Bagong Bahay Pamahalaan.
Ang proyektong ito, na inilarawan ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista bilang isang moderno at state-of-the-art na pasilidad, ay itinayo upang maging sentro ng mas mabilis at mas maayos na serbisyo publiko para sa lahat ng Angateño. Simula sa itinakdang petsa, ang lahat ng opisyal na transaksyon ng Pamahalaang Bayan ay ililipat at gagawin na sa bagong gusali.
Ayon kay Mayor Jowar, ang bagong munisipyo ay hindi lamang isang istruktura kundi bunga ng sama-samang pagsisikap at pangarap ng mga mamamayan para sa isang pamahalaang mas bukas at tumutugon sa pangangailangan ng publiko.









Comments