top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

BAG MAKING made of PLASTIC SACHET


April 15, 2025 ||

Limampung (50) mga magulang na mga benipisyaryo ng 4P's ang lumahok sa isinagawang pagsasanay na tinawag na "BAG MAKING made of PLASTIC SACHET".


Ito ay programa ng Angat 4P's Municipal Link na nilahukan din ng tanggapan ng MENRO Angat na pinamumunuan ni MENRO Eveliza J. De Guzman.


Tinuruan ng MENRO Angat ang mga magulang na gumawa ng mga bag mula sa mga basurang plastic sachet.

Ang pangunahing layunin nito ay ipaalam sa mga taong nakakakuha ng mga benepisyo ng 4Ps na maaari pa silang gumawa ng mga bagong bagay mula sa simpleng basura, na nagpapahusay sa kanilang pagiging malikhain at maparaan. Maaari itong magbigay sa kanila ng higit pang inspirasyon dahil ang kasanayang ito ay maaaring makatulong sa kanilang pamumuhay. Sapagkat maari nila itong pagkakitaan.


Malaki din ang magiging impact nito sa pangangalaga sa ating kapaligiran. Dahil mababawasan ang mga kalat sa paligid, higit sa lahat bababa din ang bilang ng mga basurang itatapon sa sanitary landfill.


コメント


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page