Babala Laban sa Kumakalat na Online Scam Account
- Angat, Bulacan

- Jun 15
- 1 min read

Isang seryosong babala ang ipinalabas ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista sa publiko hinggil sa isang pekeng account na kasalukuyang nambibiktima at nandaraya online.
Ayon sa pahayag, ang account na kumakalat sa mga social media platform ay kumpirmadong isang scam. Pinapayuhan ang lahat na kapag nakatanggap ng kahalintulad na mensahe mula rito ay huwag na huwag ibibigay ang mga sensitibong detalye tulad ng numero ng telepono, OTP (One-Time Password), verification code, o anumang personal na impormasyon.
Sakaling hindi sinasadyang maibigay ang numero ng telepono at makatanggap ng SMS na may verification code, mariing pinaaalalahanan ang publiko na huwag na huwag itong ibabahagi kaninuman. Sa halip, agad na gawin ang mga sumusunod na hakbang:
I-BLOCK ang kahina-hinalang account.
I-REPORT ang fake account sa platform.
Ipaalam sa mga kaibigan at kamag-anak upang hindi sila mabiktima.
Nanawagan din si Mayor Jowar Bautista sa mga Angateño na maging mas mapanuri, mapagmatyag, at mag-ingat sa lahat ng oras laban sa mga iba't ibang uri ng online scam.









Comments