top of page
bg tab.png

Awareness on Mental Health at TB-HIV Co-Infection, Tinalakay sa SEPAR Environmental Corporation


Upang maitaguyod ang kabuuang kapakanan at kalusugan ng mga manggagawa, isang mahalagang seminar ukol sa Awareness on Mental Health/Stress Management at Tuberculosis-Human Immunodeficiency Virus (TB-HIV) Co-Infection ang matagumpay na idinaos sa SEPAR Environmental Corporation na matatagpuan sa Barangay Banaban ngayong Huwebes, Hunyo 26, 2025.


Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Municipal Health Office (MHO) ng Angat, bilang bahagi ng kanilang adbokasya na maghatid ng tamang impormasyong pangkalusugan sa mga pampubliko at pribadong sektor.


Sa unang bahagi ng talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa mental health at ang mga epektibong paraan ng stress management sa loob at labas ng pinagtatrabahuhan. Layunin nitong gabayan ang mga empleyado kung paano mapapanatili ang emosyonal at sikolohikal na balanse sa gitna ng mga hamon sa buhay at trabaho.


Kasunod nito, tinalakay din ang sensitibo ngunit napakahalagang paksa ukol sa TB-HIV Co-Infection. Dito ay ipinaliwanag ang ugnayan ng dalawang sakit, kung paano ito maiiwasan, ang kahalagahan ng maagang pagsusuri, at ang pagtatanggal sa stigma o maling pananaw ng lipunan laban sa mga may-taglay nito.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng SEPAR Environmental Corporation sa Lokal na Pamahalaan ng Angat sa pagbabahagi ng mga kaalamang ito na malaki ang maitutulong sa pagbuo ng isang ligtas, malusog, at produktibong komunidad ng mga manggagawa.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page