top of page
bg tab.png

Atleta ng Angat, Nagningning sa 11th Daedo Taekwondo Open sa Singapore


Muling napatunayan ang galing ng kabataang Angateño matapos humakot ng mga medalya ang tatlong (3) pambato ng bayan sa 11th Daedo Taekwondo Open Championships na ginanap sa Our Tampines Hub, Singapore.


Nag-uwi ng karangalan sina Princess Hana Faith Cruz (Gold at Silver), Orabelle Shane Mendoza (Silver at Bronze), at Viela Anne De Guzman (Bronze) sa nasabing pandaigdigang kompetisyon. Sa isang pahayag, binigyang-pugay ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang disiplina at determinasyon ng mga atleta na nagtaas sa bandila ng Pilipinas at sa ngalan ng bayan ng Angat. Ang tagumpay na ito ay itinuturing na bunga ng kanilang masusing pagsasanay at suporta ng buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page