top of page
bg tab.png

ANUNSYO: PAGKUHA NG SENIOR CITIZEN ID

Naglabas ng mahalagang anunsyo ang Sangguniang Barangay ng Marungku para sa mga residenteng Senior Citizen na wala pang opisyal na pagkakakilanlan o Senior ID.


Sa darating na ika-11 ng Disyembre, araw ng Huwebes, magsasagawa ng isang espesyal na koordinasyon ang barangay upang matulungan ang mga nakatatanda sa kanilang aplikasyon sa munisipyo.


Inaasahan ang mga lolo at lola na magtungo sa Barangay Hall ganap na ika-9 ng umaga. Sila ay sasamahan at aalalayan ng mga Mother Leader patungo sa Munisipyo ng Angat upang masigurong magiging mabilis at maayos ang proseso ng pagkuha ng kanilang ID.



Pinapaalalahanan ang mga lalahok na magdala ng alinman sa mga sumusunod na dokumento bilang patunay ng kanilang edad at pagkakakilanlan:

  • Voter’s ID

  • National ID

  • Driver’s License

  • O anumang Valid ID na nagpapatunay na sila ay nasa edad 60 pataas.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page