Anti-Criminality Checkpoint, Isinagawa ng Angat MPS sa Barangay Marungko
- Angat, Bulacan

- Jul 27
- 1 min read

Upang higit pang palakasin ang seguridad at mapanatili ang kaayusan sa mga pangunahing kalsada ng bayan, naglunsad ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa tapat ng 7-Eleven sa Barangay Marungko nitong Hulyo 26, 2026, simula ika-8:06 ng gabi.
Isinagawa ang naturang operasyon sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, kasama ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang regular na pagsasagawa ng mga random checkpoint sa gabi ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.
Binigyang-diin ng Angat MPS na patuloy silang magpapatupad ng mga kaparehong operasyon sa iba't ibang strategic locations sa bayan upang tiyakin na mananatiling ligtas, maayos, at malayo sa anumang banta ng kriminalidad ang buong pamayanan ng Angat.









Comments