top of page
bg tab.png

Ano ang Republic Act 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018?


Ano ang Republic Act 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018?

Inilatag sa batas na ito ang mga ipinagbabawal na initiation rites, tulad ng mga sumusunod:

• Paddling

• Paglalatigo

• Pambubugbog

• Pagpaso

• Sapilitang pagpapaehersisyo

• Pagpapabilad sa matinding araw

• Sapilitang pagpapakain o pagpapainom ng anumang bagay (e.g. pagkain, droga)

• Iba pang brutal na karahasan na maaaring magdulot ng pisikal o sikolohikal na pinsala at kahihiyan sa isang neophyte, recruit, aplikante, o miyembro ng isang organisasyon.

"Kahit di ka sinasaktan pero sasabihan ka ng ikatatakot mo, playing with your mind. Lahat iyan pinagbabawal na ng bagong batas as a form of initiation to an organization,"

Mas mabigat na rin ang mga parusang ipapataw sa mga sasailalim at magpapasimuno rito.

Sa pagkakataong mamatay ang sumailalim sa initiation rites ay mahahatulan ng panghabambuhay na pagkakabilanggo at multa na P3 milyon ang mga mapapatunayang may sala.

Maaari namang ikulong at pagmultahin ang mga miyembrong nakapagdulot ng sakit sa kapwa niya miyembro batay sa pinsala sa katawan na maaaring mangyari sa biktima ng hazing.

3 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page