top of page
bg tab.png

Angateños Pride, Nagsagawa ng Pagpupulong para sa Pagpapalakas ng Lokal na Negosyo at Produktong Angat


Sa kapahintulutan ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, matagumpay na nagsagawa ng isang maproduktibong talakayan ang organisasyong Angateños Pride noong ika-12 ng Agosto upang talakayin ang kasalukuyang estado ng grupo at ang mga darating na proyektong nakalaan para sa mga mamamayan at turistang dumadayo sa bayan.



Kabilang sa mga pangunahing napagkasunduan sa pagpupulong ang muling pagbubukas ng Angateños Pride Truck sa darating na Setyembre 2026, na kasalukuyang matatagpuan sa Tugatog, Barangay Marungko. Kasabay nito, hinimok din ang muling pagpapasigla at pakikilahok ng mga miyembro ng organisasyon.


Ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa pagtataguyod ng Angat Pasalubong Center at ng programang One-Town-One-Product (OTOP) sa ilalim ng Republic Act No. 11960. Layunin nitong magbigay ng suporta at mapalakas ang mga Micro and Small Enterprises (MSEs) sa bayan.


Dumalo at nakiisa sa talakayan ang iba't ibang sektor na may mga sariling produktong gawang-Angat, kabilang ang:

  • Angat Kalusugan

  • Special Needs Education (SNED)

  • SAMAhan ng may mga KApansanan sa Bayan ng Angat (SAMAKABA)

  • Angat Farmers Association


Layunin ng kolaborasyong ito na palawigin at ipagmalaki ang mga lokal na produkto hindi lamang sa loob ng bayan kundi maging sa mga kalapit na rehiyon.


Naging katuwang din sa pagpupulong ang iba't ibang tanggapan at organisasyon mula sa Pamahalaang Bayan, tulad ng Negosyo Center Angat, PESO, Municipal Tourism Office, BPLO, Angat SK Federation, Local Youth Development Office, Municipal Agriculture Office, at Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO).


Para sa mga nais magtanong o makibahagi sa mga susunod na proyekto, maaari kayong sumadya sa kanilang tanggapan, mag-iwan ng mensahe sa opisyal na Facebook page, o tumawag sa numerong 0994-832-1278.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page