Angatenyo Advisory:
- Angat, Bulacan

- Jul 25
- 1 min read

Batay sa ulat ng PAGASA ngayong Hulyo 25, 2025, ganap na 8:00 ng umaga, patuloy pa ring nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning ang lalawigan ng Bulacan. Ito ay bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng habagat na pinalalakas pa ng Bagyong Emong.
Dahil dito, pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatiling alerto, lalo na sa mga naninirahan sa mabababang lugar na posibleng makaranas ng pagbaha. Patuloy nating subaybayan ang mga anunsyo mula sa awtoridad upang maging handa sa anumang posibleng panganib na dulot ng sama ng panahon.









Comments