top of page
bg tab.png

Angatenyo Advisory

Updated: Jul 21


ree

Nararanasan pa rin natin ngayong araw ang pabugso-bugsong pag-ulan dulot ng Habagat, kahit pa papalayo na si Crising mula sa bansa. Ayon sa ulat ng PAGASA, asahan pa rin bukas ang patuloy na pag-ulan dahil sa Habagat. Kaugnay nito, matapos ang maingat na pagsusuri, napagpasyahan na rin nating suspendihin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa parehong pampubliko at pribadong paaralan. Ito ay bilang pag-iingat para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga mag-aaral.


Gayunpaman, nais naming ipaalala sa ating mga kabataan na hindi dapat gawing nakasanayan ang pag-aabang ng suspensyon ng klase. May mga batayan at proseso na sinusunod sa pagdedesisyon kung kailan kinakailangang magsuspinde. Hindi nangangahulugan na kapag nagsuspinde ang ibang bayan ay awtomatiko na rin tayong magsususpinde. Magkakaiba ang kalagayan ng bawat lugar, kaya’t dadaan ito sa maingat na pag-aaral ng mga kinauukulan at hindi basta-basta na lamang idedeklara.


Nakakalungkot lang na may ilan sa mga estudyante ang gumagamit ng hindi kaaya-ayang pananalita sa kanilang mga komento. Naiintindihan ko ang pakikipagbiruan, ngunit dapat alam natin ang hangganan nito. Higit sa lahat, mahalagang alalahanin na ang inyong pag-aaral ang dapat unahin. Sulitin ninyo ang pagsusumikap ng inyong mga magulang upang kayo ay mapag-aral.


Mag-ingat po tayong lahat!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page