Angat Zumba Team, Pangungunahan ang Ikapitong Gabi ng Zumba Nights sa Angat Food Park
Muling mapupuno ng sigla at galaw ang Angat Food Park 2026 sa muling pagsasagawa ng pampublikong Zumba Nights ngayong Linggo, Oktubre 18, 2026, bilang bahagi ng ikapitong gabi ng pagdiriwang.
Para sa gabing ito, ang Angat Zumba Team ang magsisilbing lead instructors upang gabayan ang mga mamamayang Angatenyo sa isang masayang gabi ng pag-eehersisyo at pagsasayaw.
Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang patuloy na pagsasagawa ng Zumba Nights sa Food Park ay naglalayong isulong ang aktibong pamumuhay at pagkakaisa sa komunidad, habang nagbibigay ng magandang oportunidad sa mga residente na tumangkilik sa mga lokal na kainan matapos mag-ehersisyo.
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang buong komunidad, kasama ang pamilya at mga kaibigan, na dumalo, magpapawis, at makiisa sa masayang gabi ng sayawan at kainan sa Angat Food Park 2026.











Comments