Ngayong araw ay ipinagdiriwang sa buong daigdig ang Earth Day, isang taunang selebrasyon kung saan ipinapakita ang suporta para sa pangangalaga ng kalikasan ng ating mundo. Ang kauna-unahang paglulunsad nito ay ginanap noong Abril 22, 1970. Sa taong kasalukuyan, ang tema para sa pagdiriwang ay "Invest In Our Planet.”
Bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang, ang Pamahalaang Bayan ng Angat--sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO)--ay naglunsad ng River Clean-Up sa bahagi ng Niugan-Donacion Angat. Katuwang sa proyekto ang mga boluntaryong mangingisda mula sa barangay Niugan at Donacion, Jowable Youth at Angat Kalusugan Association, Inc. Layunin nitong makatuwang sa panimulang paglilinis ng ilang bahagi ng Ilog Angat at makapagpanimula sa paglulunsad ng proyektong pagpapalit-gamit ng basura na magiging kapaki-pakinabang para sa mga mamamayan.
Kasabay din nito ang paghikayat ng Sabayang Paglilinis sa mga komunidad sa labing-anim na barangay ng Angat.
Iisa lamang ang ating daigdig kaya naman napakahalagang proteksyunan at pangalagaan natin ito. Invest our energy, time and effort to contribute to help create a waste-free world!
Hozzászólások